Speech

  “We hate, and then we love, and then We hate again… And then we love again, And When we get destroyed WE fight back with hate or love.” sabi ng speaker.

  Nakamaong lang yung speaker, naka-itim na t-shirt na may anarchy logo sa harap. Magulo ang buhok at naka-tsinelas. Mabilis na makikilala na si Contestant Number 27 siya, dahil sa malaking tag sa dibdib niya.

  Alas Nuebe ng sabado. Malamig at maliwanag ang gabi. May isang stage na maliit sa ilalim ng basketball court. Nakaupo ang mga tao sa sahig. Nakatayo siya sa isang kahon ng prutas. Lahat nakikinig. Nakaupo din ako sa may likuran.

  “Sino ba to?” tanong ko sa katabi ko.

  “Di ko nga alam e… kakarating ko lang din.” sagot ng emokid sa akin.

 Mula sa pinaguupuan ko, tanaw ko ang pangarap ko sa buhay. Si Elaine, isang college student. Nagaaral siya para makarating sa Amerika. Maganda si Elaine. Wala nang gaganda pa sa kanya. Wala nang gaganda pa sa boses niya. Wala nang gaganda sa mga ngiti niya. Mahal ko siya, di niya lang alam. Mahal ko siya, pero wala siyang ideya. Mahal ko siya, pero di niya ako kilala.

 ”As we hate, we grow stronger. As we  love, we grow weaker.

  Don’t you hate that?

 Do you hate that?

Do you love it?

Hate makes you think for yourself.

Love makes you think for someone else.

Love will destroy you.

Hate will build you.”

      Mabilis na tumitibok ang puso. Gusto kong lapitan at tabihan sa sahig si Elaine. Alam kong wala siyang kasama na katropa niya. Dahil alam ko, pero di ko alam kung paano gagawin ang gusto ko mangyari. Sana katabi ko siya ngayon. Sana di siya nakatitig sa mukha ng speaker, sana sa akin siya nakitingin ngayon. Sana akin na lang siya.

“As long we hate, we will live.

But if we start loving, we will die crying.”

   Ibibigay ko lahat, kapalit ng cellphone number niya. Ibibigay ko lahat basta mahalin niya lang din ako. Lagi niya lang ako nilalampasan kapag nasasalubong ko siya sa daanan. Gusto ko sabihin sa kanya na naging makaklase kami nung grade one hanggang grade six. Naging classmate ko siya sa science, geography, p.e., at english noong first year highschool. Sa biology at algebra, noong second year. Filipino at Music noong third. Sa English at Filipino noong Fourth Year. Naka-pink na blouse pa nga siya noong graduation e.

“What are your reasons?

Reasons to Live?”

  Hindi ko alam kung alam mo ang pangalan ko. Pero di ko naalala kung nakapagusap na tayo. Hindi sa nahihiya ako sayo. Hindi sa natatakot ako na mabasted. Yun yung hindi mo ako napapansin.

“We eat to live, but we don’t live to eat.

We love to eat, yes.

I love to eat.”

Kailan mo ako papansinin? Kelan mo ako bibigyan ng tingin? Hindi mo ba ako nakikita?

“Like eating, we need to hate.

No one who has walked the earth have never hated.

Even your God himself showed his wrath

Hating is not a crime

But crimes are somewhat made out of hate

You can hate anyone.

Whoever.

But why hate?

I hate you because of these following reasons:”

 

Masaya ka na ba? Masaya ka na dahil di mo ako kilala? Alam kong mas masaya kung kilala mo ako.

 

” Your Inferiotiy.

Your Superiority.

Two things I hate the most.”


About this entry