Bida
Proof Read This Please.
Tara Na!: Scam
Lokohan Na Lang!
Isang bata na ipinanganak gamit ang method na kilala bilanag cesarean method. Di naghirap ang nanay ko sa pagluwal sa akin dahil biniyak lang ng mga doktor ang tiyan niya.
Natuto ako magsulat sa loob ng baranggay hall ng baranggay namin. Natuto ang magdrawing ng star sa tulong ng aking ate. Di ako natuto magbilang ng pera kundi dahil sa tindahan namin na di ako alam kung kailan nagumpisa o kailan din nagsara.
Natuto akong magbulakbol sa eskwelahan noong grade six ako. Naulan ng araw na iyon, at di kami sa computer shop pumunta, di tulad ngayon. Sa basketball court sa isang subdivision sa lugar namin pumunta. Di ko alam kung bakit ko napagtripan na mag-cut sa klase ko noong shop. Natuto ang maglagare ng kahoy noong grade two ako, pero di ako nakaputol ng dos por dos hanggang nitong high school lang ako. At di lagare ang gamit ko, kundi ang likod ko. Di ko kilala ang may tumulong sa akin na baliin ang kahoy, pero alam kong di siya nasaktan pero ako, oo.
Ngayon, nandito ako kung saan walang nakakaalam, kahit sino sa eskwelahan namin. Kahit ikaw, di mo alam kung saan ang bahay ko.